Wednesday, February 24, 2010

Lesson No. 39

"The worst way to love someone is to sit next to them, knowing they don’t love you back."
hmmm... that's so unfair! nakakagigil at nakakainis ang ganyang sitwasyon kaya mga mahal kong kaibigan let me share something!




Here are the signs that will tell you that it's about time to DUMP YOUR BF or GF!:(dump talaga!)

  1. HE/SHE NO LONGER CONSIDERS YOUR FEELINGS

    If you break your leg and your man doesn’t even visit you in the emergency room, that’s a problem. It shouldn’t have to come to that extreme (teka lang! mamamatay na ko oh!)  little signs that indicate a lack of empathy should be enough for you to know that your relationship has run its course. Need some examples? You have a bad day (and it’s written on your face) and he doesn’t ask you about it. You have a headache and he doesn’t offer you an aspirin. If you are in pain, whether physical or mental, and your man says or does nothing…that’s someone who doesn’t care about you. (ouch!)
  2. HE/SHE HAS BECOME THE INVISIBLE MAN

    When you’re with someone, they should be there. If you are in a long distance relationship, that’s one thing. If your other half lives across town but you hardly ever see him/her…that’s a sure clue that he’s just not into you anymore. (or pwede rin naman na kasama mo sya pero parang hangin lang!)
  3. HE/She has BECOME “MR./ms. X”

    You used to know your BF/GF inside and out but now you don’t know what’s going on in his life. For all you know he’s changed jobs, his name, his hair-color, his sexual orientation. You can’t be in a relationship if you don’t even know the person you’re in a relationship with. (pwede ring kilala mo na sya ng lubusan pero lately parang nalalabuan ka na sa kanya!)
  4. YOU CAN’T STAND THE VERY SIGHT OF HIM/her

    You used to love his/her face. The cute way he/she smiled at you. Now… whenever you see him you want to throw up. Before, he/she said the cutest things. Now, if he/she speaks you want to slap him/her. Again, this may be extreme but if you don’t have an attraction to your BF/GF anymore, that’s a BIG problem. (panget ka kase! pa-facial nga tayo!)
  5. YOU KEEP SECRETS

    One of the best things about being in a relationship is that you have someone you can confide in. A confidant is someone you can trust. If you can't share it with your BF/GF, it’s because you can’t trust him/her. You should be able to trust him/her. There are some secrets that everyone keeps to themselves but if you find yourself keeping more and more things closer to the vest.
  6. NO SEX

    This one doesn’t include for medical reasons. This one doesn’t include those lovers who had a slow sex life to begin with. This clue is for those couples that were having sex but now don’t. Depending on how long you’ve been together, a natural decrease in the frequency is normal. I’m talking about the total absence of any desire for your BF/GF. When you don’t want to have sex with your man under any circumstances that is a major problem. (teka lang naging beystos ata ang usapan! Preno muna tayo! Agiiii!!!"
  7. HE/ she DOESN'T TELL YOU ABOUT IMPORTANT THINGS

    This one ties into number five. You may still tell your BF/GF things but he/she doesn’t tell you things. Very important things like he’s seeing someone else. (medyo bastusan na pag ganitong usapan! wala namang ganyanan!)
  8. YOU’RE VERY UNHAPPY

    You can’t expect that every day in a relationship is going to be sunshine and lollipops. However, if everyday feels like slow torture and you just want to curl up into a ball and cry…that’s not a good thing. You could be depressed but if you feel this way because of the one you're with…you don’t need a therapist to tell you that breaking up may make you loads happier. (mapapansin mo na lang mas maganda pang nagsimba ka para at least maliligtas mo yung soul mo kesa nasa bahay ka lang nagmumukmok! Itago na ang lubid, baril o kutsilyo! mahirap nah! tsk! tsk!)
  9. HIS/her LITTLE BAD HABITS MAKE YOUR BLOOD BOIL

    He/she leaves his/clothes on the floor, doesn't flush the toilet, doesn't wash the dishes, drops their pants in the middle of the floor, and leaves his/socks in the living room! Then if you ask him/her to stop doing it  he/she will just say "I'll try" but he/she doesn't! If your BF/GF does little things that make you want to go nuclear, he/she should leave your crazy behind alone! (YAYA ang kailangan nito!)
  10. YOU FEEL TRAPPED

    You feel crushed by the love you feel for your boyfriend/girlfriend. The weight of it is immense. No situation is unchangeable. You CAN free yourself. You just need the strength of your convictions.

    It is really TRUE (walang halong eklavern!) you can do bad all by yourself. I don’t care if you feel you are too old to find someone new, or too ugly, or too fat. 


    No relationship is worth you giving up your own happiness to maintain it.

    "The worst way to love someone is to sit next to them, knowing they don’t love you back." 
    I realize that "Being a strong person is not always easy; but I believe that it is the ONLY way to live and to love."

Tuesday, February 23, 2010

Lesson No. 38


"Nobody's natural. You work hard to get good and then work to get better. It's hard to stay on top."


Tama! All of us started from scratch and we always get better every day with whatever we do! However, once we became better, tit is harder to be consistent and that requires more work! Tama na naman!

 For today's lesson, I can think of my tenured agents............... Ash and Jake!

Ashton started with Team Pancake since the company launched the Silverback account! I've seen her improve day by day and has seen her outshine the rest of her team mates! Pinaampon ko sya kay Maricon for 1 month, at muli kong binawi! hahah!!! Dahil alam kong mahal na mahal nya ako.... may ganun?!

Malaki ang tiwala ko sa anak kong toh! Medyo may katabilan ang dila pero totoong makipagkaibigan. Sobrang saludo ako sa performance nya at sa pagtulong sa kanyang mga team mates....




Si Jake naman ay galing kay Genie, mabait, maasahan at matulungin sa kanyang mga team mates. He's very proactive and humble. (ayun oh!) I've known Jake for only a month now,... but I've seen how he worked hard to meet his goals. Masayahing tao at talaga namang parang SALES department! hahaha!

Marami tong extra business si Jake, maraming talent at maraming "agi!" hahaha!!! 










They just can't stay on top of their business! They have to step up! So ASH and JAKE, good luck to your assessment tonight! I'll be praying hard for you! 

I know God will help both of you! I'll be here to support you whatever happens! :-)

Monday, February 22, 2010

Lesson No. 37


"Vacation used to be a luxury, but in today's world it has become a necessity."


Tama nga naman! Before, vacation is only for those who can afford it! But nowadays it is a necessity because of our demanding world. May iba nga dyan nagttrabaho lang para makapag-ipon ng pera papuntang Hongkong, Korea, Singapore, Thailand, Malaysia at pag sinuswerte sa Australia o sa mas malayo pang lugar!

I can only think of one person as of now... at yan ay ang pinakamamahal kong "Inay"! I was in Grade three when my father left us (kung ano mang dahilan... alam nyo na siguro yun) Si Inay ang nagtaguyod sa ming tatlong magkakapatid, si Ate She, naging Nurse... si Ate Karen, naging Accountant at ako naging Computer Engineer! Grabe ang paghihirap na dinanas ni Inay.

Di ko ikinahihiya na sa palengke lang sa probinsya nagtitinda ng karne si Inay. Nakita kong nagkakarga ng baboy sa sasakyan, sumama rin ako pagpunta sa malalayong lugar para makakuha lang ng ibebentang baboy galing sa mga nag-aalaga, nakita ko ang mga sugat nya sa kamay tuwing nahahagip ito ng pangtadtad na gulok ng karne at nakita ko rin ang mga pasa nya sa katawan pag nasisipa xa ng baka o baboy na ipinapasok nila sa sasakyan at nakita ko syang umiyak tuwing nahihirapan na sya. Tuwing naalala ko ang lahat ng to... naiiyak ako at naiisip kong, kung di kami iniwan ng Tatay ko.... hindi ito mararanasan ni Inay. Kaya ganun na lang ang pagsisikap ko sa buhay, ganun na lang ang paghanga ko sa nanay ko!

Maraming pagsubok na dinanas si Inay. Pero hindi nya kami pinabayaan. Hindi nya kami kinalimutan. Minsan ang pagkaing isusubo nya galing sa mga handaan ay inuuwi nya pa sa bahay para sa min. Totoo pala yun! Kala ko nga sa teleserye lang yun nangyayari eh!

Noon yun! Pero ngayon, sosyal na si Inay! Dahil sa kabutihan ng kanyang loob, sa pagtulong sa lahat ng nangangailangan, maging kamag-anak man yan o hindi .....hindi mailap sa kanya ang pera! Nakapagpagawa na kami ng maayos na bahay at nabibili lahat ng gusto namin. 





Nakapagsusuot na sya ng Guess na damit samahan mo pa ng Giordano, Calvin Klein at Levi's, ! nakakagamit na sya ng mga pabangong  Burberry, Cool Water, Chic, Bvlgari at CK! at dito kayo mapapatambling! PUPUNTA NA SYA NG AUSTRALIA THIS MARCH 1 HANGGANG NEXT YEAR!



Ang dating gumigising ng madaling araw para magdikdik ng bagoong na isda sa bote at ipaglalako pa pagdating ng umaga... ang dating naglalako ng isda sa probinsya... at ang dating magkakarne sa palengke ngayon ay magiging isang bakasyunista sa isang dayuhang bansa!

Yan ang storya ng buhay ng nanay ko.... sinong magsasabi na ang isang High School undergrad ay hindi makakaranas ng MAGINHAWANG BUHAY??? 

Salamat kay Ate She... kung hindi dahil sa kanya... ang pinangangarap na masarap na bakasyon ni Inay ay mananatiling pangarap lamang.....


"Vacation used to be a luxury, but in today's world it has become a necessity."... para kay Inay isa tong luxury.... pero para sa ming magkakapatid kailangan to ng Nanay namin.... Kailangan nyang maramdaman ang ginhawang bunga ng kanyang pagsisikap at pagmamahal sa ming magkakapatid. You deserve it Inay! Mahal na mahal ka po namin! Mamimiss ko po kayo....


Sunday, February 21, 2010

Lesson No. 36






“He who wants a rose must respect the thorn.”


Napaka-simple pero napakaraming ibig sabihin. Para sa kin, kung kaya mong tanggapin ang kagandahan ng isang tao o bagay sa paligid mo, kailangan matutunan mo ring tanggapin ang kakambal nitong kabuktutan.


Hindi naman lahat ng bagay o tao ay perpekto....

Sa pagmamahal, kung may konting di pagkakasunduan, wag kang biglang susuko. Ganyan talaga ang LOVE! Normal lang na may konting misunderstanding... ang mahalaga, at the end of the day... sya pa rin ang iyong uuwian at hindi kung sinu-sino lang dahil nag-away kayo....

Bakit parang may pinaghuhugutan ang mga sinasabi ko? Wala lang! Alam ko katatapos lang ng Heart's Day... pero sigurado ako, after ng mismong araw na yun, maraming lovers ang di nagkasundo... may mga tinapon ang mga binigay na rosas, 

pinunit ang mga love letters, 



or pinamigay na lang ang kabibigay lang na chocolates.... pero may mga mga sobrang nagmamahal rin naman at hanggang sa buong kinabukasan ng araw ng mga puso ay magkayakap pa rin... "How sweet!"

Kung may problema, pag-usapan... Kung ayaw mag-usap, e di wag pilitin.... meron namang tinatawag na perfect-timing.... hintayin na lang natin yan! :-)




Saturday, February 20, 2010

My Daily Lessons from my FB!

I just got the perfect time to wrap up all the lessons I've learned in the past 35 days..... from my facebook account (http://www.facebook.com/darrelrosales)... Can u tell me your favorite one? 





Lesson No. 1: "Don't agonize. Organize."

Lesson No. 2: "Don't hurry. Don't worry. Do your best and let it rest!"

Lesson No. 3: "The bad news is time flies. The good news is you’re the pilot."

Lesson No. 4: "You can also use the line...I'm just a TL and not a magician."

Lesson No. 5: “We must accept finite disappointment, but never lose infinite hope.”

Lesson No. 6: "It takes years to build up trust, and only seconds to destroy it."

Lesson No. 7: "I'm a great believer in luck and I find the harder I work, the more I have of it."

Lesson No. 8: "Friends are like roses...you have to look out for the pricks!"

Lesson No. 9: "Your Time is UP!"

Lesson No. 10: "Keep your words soft and tender because tomorrow you may have to eat them."

Lesson No. 11: "My problem lies in reconciling my gross habits with my net income. "

Lesson No. 12: “We cannot direct the wind, but we can adjust the sails.”

Lesson No. 13: "It's a little like wrestling a gorilla. You don't quit when you're tired - you quit when the gorilla is tired."

Lesson No.14: "When the world says, "Give up!" Hope whispers, "Why don't you try it one more time!"

Lesson No. 15: “Expecting the world to treat you fairly because you are a good person is a little like expecting a bull not to attack you because you are a vegetarian"

Lesson No. 16: "In business, words are words; explanations are explanations, promises are promises, but only performance is reality. "

Lesson No. 17: "Rest is the sweet sauce of labor."

Lesson No. 18: "An eye for an eye makes the whole world blind. "

Lesson No. 19: “Stress is like an iceberg. We can see one-eighth of it above, but what about what’s below?”

Lesson No. 20: "Rest is a good thing, but boredom is its brother."

Lesson No: 21: “Boredom is a sickness the cure for which is work; pleasure is only a palliative.”

Lesson No. 22: "A successful person is one who can lay a firm foundation with the bricks that others throw at him or her."

Lesson No. 23: "The trouble with a budget is that it's hard to fill up one hole without digging another one."

Lesson No. 24: “The best way to appreciate your job is to imagine yourself without one.”

Lesson No. 25: "The bend in the road is not the end of the road unless you refuse to take the turn"

Lesson No. 26: "...culture of discipline. When you have disciplined people, you don't need hierarchy. When you have disciplined thought, you don't need bureaucracy."

Lesson No. 27: "You cry, I cry, ….you laugh, I laugh…you jump off a cliff i laugh even harder!!"

Lesson No. 28: "We're having to back-fill, ... We're using overtime in order to make sure the 911 calls are answered."

Lesson No. 29: "I've fallen in love many times... always with you."

Lesson No. 30: “Parents can only give good advice or put them on the right paths, but the final forming of a person's character lies in their own hands.”

Lesson No. 31: "Did you ever see an unhappy horse? Did you ever see a bird that had the blues?.... The only reason why horses and birds are not unhappy is because they don't try to impress the rest of their kind."

Lesson No. 32: "I'm really excited. I'm so blessed to have so much peace and joy inside. I just can't keep quiet about it. "

Lesson No. 33: "As I look back upon my life, I see that every part of it was a preparation for the next move. The most trivial of incidents fits into the larger pattern like a mosaic in a preconceived design."

Lesson No. 34: “Draw your salary before spending it!”

Lesson No. 35: “Love, you know, is a funny thing; But the funniest thing about it - Is you never can tell if it is love - Until you start to doubt it”

It's just so funny to think na talagang may araw na sobrang masaya ka na tipong sa yo ang buong mundo pero talagang may araw na malas ka lang! hahaha!!!!

CHOOSE WHICH ONE IS THE BEST FOR YOU... just leave your comments! :-) Thanks!

Wednesday, March 4, 2009

Spending a Day with My Self!

Everyday... Our lives seems to be so busy! Minsan we tend to forget about ourselves and always think about the others... Not Bad! If you will think about it, hindi naman masamang mag-isip ng para sa iba...

However, it's also healthy to think about ourselves! Before you can love anyone or anybody else, we should learn how to appreciate ang sarili natin... Hindi naman masamang minsan sa isang linggo we give ourselves a break out of our hectic and tiring work activities! Kaya eto, I just wanna share with you what happened today...

First Stop!

- Trinoma Medical City (Physical Therapy Rehabilitation)
as you can see... may mga cables na nakakabit sa mga tuhod ko... That's the machine to stimulate the nerves and cells to make sure that blood flows smoothly sa area na sumasakit... by the way, I'm under treatment for my Quadriceps Tendinitis and Plasma fasis. A condition wherein the tendons are overused and if not treated will build up scar muscles and might lead to surgery causing the patient to use crutches! Grrrr... katakot! This is my 7th theraphy session going to 12...Thanks to my therapist "Mhei" of Medical City for taking care of me and to Dr. Ferdinand Decena for making sure that this will be cured. This has been a big problem for me lalo na pag nasa work ako... Remember if you're a Team Leader you always have to look after your agents and sad to say this condition hinders me to perform well... God will always make his way for me...

Second Stop!

- Trinoma Starbucks!
Time to relax after a soothing therapy session with Mocca Frap of Starbucks! Whew! It's nice to note na minsan talagang kape na lang ang sandalan ko pag may problema. This makes me feel na parang bestfriend ko sya. Kahit walang kausap I can feel na may karamay ako sa bitterness ng life! Though I have a lot of expenses to think of, I know for sure na kaya ko yun at hindi sagabal ang pagtreat sa sarili ng starbucks at least once a week! hahaha!!!

Third Stop!

- Pet Shop! (for my Aquarium)
There you go! Ang cute cute na ng aquarium ko with my kois and shark fish... I consider them as my babies so I bought them a new side filter para lagi silang clean and a splitter to make sure that the gravel filter and the side filter will have equal amount of oxygen pump para lalong mas enjoy ang mga fish ko sa paglangoy! My white koi is getting bigger nah! Can't wait to see all of them grow and stay with me....



It's refreshing to enjoy at least one day in a week all by myself! wahahaha!!! Loner yet happy!!

WHAT A DAY!!! OOOPS!!! Time to take my rest! :-) Still have a shift tonight at 11pm-8am. I hope something new and exciting will happen!

Waiting for the Payday!

Natawa na lang ako sa sarili ko ngayong araw na toh! Parang lumipas ang isang araw na walang nangyari... pahinga, net (Friendster, upload pics ng haus namin), chat (with my kapatids everywhere in the world)... kain (chicken nuggets and hotdog), hilata, nood TV (Ruffa and Ai and Game Ka na ba?), basa magazine(PC Buyer's Guide), kain ulit (tinapay with Chezee and Sprite) at eto computer ulit!

Walang kakwenta-kwentang araw! (E bakit? Bakit di ako lumabas? bakit di ako naglakwatsa? Nanood movie o nag-Starbucks man lang or Coffee Bean? o kaya nag-window shopping?) Ah ewan! Basta ang alam ko wala akong pera at naghihintay ako ng SWELDO!!! wahahaha!!!

Sabayan pa raw ng nananakit kong tuhod (Quadriceps Tendinitis at Plasma Fasis! NOSEBLEED ka noh?!!!) at napakainit na panahon e di syempre no choice and katoto nyo kundi ang tumengga sa bahay! Hahaha!! Nakakatawa... but I just can't imagine my self wasting my time doing all these crazy stuff! Parang bumalik ako sa Katamaran days ko nung College! (as if naman may time na masipag ako nun?! Baka tamaan ako ng kidlat!) hahaha!!

Pero alam nyo ang sarap rin pala ng feeling na ganito... yung tipong you don't care of what's happening outside! Di ko naman sinasabing I'm encouraging yo na maging tamad FOREVER! But you know what, parang habang nangyayari tong mga bagay na sinabi ko kanina... natagpuan ko and PEACE OF MIND... Ahhh...ewan! Basta yun yung feeling! Wala kang iniisp kundi ang sarili mo at ang nagugutom mong sikmura! hahaha!!!

BASTA! Pag may time and space kayo... lalo na kung kayo lang ang tao sa house! Try nyo to... but don't force your self kc di kayo mag-eenjoy! Yung tipong pag naisipan at naramdaman nyo ang calling (may ganun) ng peace of mind maiisip nyo to.. Nakaka-RELAX... yet you get a chance to recharge your self for another challenging week! While waiting for the payday... hahaha!!!