"Vacation used to be a luxury, but in today's world it has become a necessity."
Tama nga naman! Before, vacation is only for those who can afford it! But nowadays it is a necessity because of our demanding world. May iba nga dyan nagttrabaho lang para makapag-ipon ng pera papuntang Hongkong, Korea, Singapore, Thailand, Malaysia at pag sinuswerte sa Australia o sa mas malayo pang lugar!
I can only think of one person as of now... at yan ay ang pinakamamahal kong "Inay"! I was in Grade three when my father left us (kung ano mang dahilan... alam nyo na siguro yun) Si Inay ang nagtaguyod sa ming tatlong magkakapatid, si Ate She, naging Nurse... si Ate Karen, naging Accountant at ako naging Computer Engineer! Grabe ang paghihirap na dinanas ni Inay.
Di ko ikinahihiya na sa palengke lang sa probinsya nagtitinda ng karne si Inay. Nakita kong nagkakarga ng baboy sa sasakyan, sumama rin ako pagpunta sa malalayong lugar para makakuha lang ng ibebentang baboy galing sa mga nag-aalaga, nakita ko ang mga sugat nya sa kamay tuwing nahahagip ito ng pangtadtad na gulok ng karne at nakita ko rin ang mga pasa nya sa katawan pag nasisipa xa ng baka o baboy na ipinapasok nila sa sasakyan at nakita ko syang umiyak tuwing nahihirapan na sya. Tuwing naalala ko ang lahat ng to... naiiyak ako at naiisip kong, kung di kami iniwan ng Tatay ko.... hindi ito mararanasan ni Inay. Kaya ganun na lang ang pagsisikap ko sa buhay, ganun na lang ang paghanga ko sa nanay ko!
Maraming pagsubok na dinanas si Inay. Pero hindi nya kami pinabayaan. Hindi nya kami kinalimutan. Minsan ang pagkaing isusubo nya galing sa mga handaan ay inuuwi nya pa sa bahay para sa min. Totoo pala yun! Kala ko nga sa teleserye lang yun nangyayari eh!
Noon yun! Pero ngayon, sosyal na si Inay! Dahil sa kabutihan ng kanyang loob, sa pagtulong sa lahat ng nangangailangan, maging kamag-anak man yan o hindi .....hindi mailap sa kanya ang pera! Nakapagpagawa na kami ng maayos na bahay at nabibili lahat ng gusto namin.
Nakapagsusuot na sya ng Guess na damit samahan mo pa ng Giordano, Calvin Klein at Levi's, ! nakakagamit na sya ng mga pabangong Burberry, Cool Water, Chic, Bvlgari at CK! at dito kayo mapapatambling! PUPUNTA NA SYA NG AUSTRALIA THIS MARCH 1 HANGGANG NEXT YEAR!
Ang dating gumigising ng madaling araw para magdikdik ng bagoong na isda sa bote at ipaglalako pa pagdating ng umaga... ang dating naglalako ng isda sa probinsya... at ang dating magkakarne sa palengke ngayon ay magiging isang bakasyunista sa isang dayuhang bansa!
Yan ang storya ng buhay ng nanay ko.... sinong magsasabi na ang isang High School undergrad ay hindi makakaranas ng MAGINHAWANG BUHAY???
Salamat kay Ate She... kung hindi dahil sa kanya... ang pinangangarap na masarap na bakasyon ni Inay ay mananatiling pangarap lamang.....
kung wala kayong blog account...select mo lang yung anonymous sa "comment as" Thank you po sa comment
ReplyDeletesa pinakang taas ng page na to... may comment, like, tweet and share links! Try nyo gamitin! thank you so much!
ReplyDeleteaw..sweeet! nice one darrel
ReplyDeletekayo na ang nangangailangan ng vacation. ako forever ata bakasyon grande, and its boring na. di ba teh ezz?! hahah.
ReplyDeletebon voyage kay inay (maki-inay ba? hahah) at congratz dahil kinaya nya on her own na makapagtaguyod ng pamilya.
this is so perfect.. nakakaiyak.. kc nakakainspire... whew, good things happen to good people sabi nga nila.. kya d na ko mag tataka kung... maganda ko.. (anong connection?) ahaha.. perfect wag kang maiiyak pag nasa australia na c inay TL.. dhil tatawagan ka parin nya at aalagaan katulad ng palagi nyang ginagawa... dahil jan may nag text...
ReplyDeleteanak mag asawa ka na... nag mamahal.. inay... chos! hheheheh
ashton!!! panigurado ikaw na naman sumasabutahe sa kin! ayos ka talaga!
ReplyDeleteyeah, this is all true... nakakamiss na din si inay at pati ang dalawang bata. super tagal ko na di nkikita sila. how i wish na makita ko ulet sila somehow in the future. you, your ateh and xempre si inay are all good people and all of you deserved what you have now... paki kamusta mo na lng ako kay inay.. it's me... 0509
ReplyDeleteBro galing... Clap Clap Clap with standing ovation ako para sa nanay mo!! and sa iyo at mga kapatid mo kasi naging mabuti kayong mga anak..
ReplyDeleteNaiyAk nmam ako s nbs ko!! Inggit much, how i wish mgw ko din sa mama ko! Mswerte ang mom nyo kc kyo ang nging anak :) god bless
ReplyDelete