“He who wants a rose must respect the thorn.”
Napaka-simple pero napakaraming ibig sabihin. Para sa kin, kung kaya mong tanggapin ang kagandahan ng isang tao o bagay sa paligid mo, kailangan matutunan mo ring tanggapin ang kakambal nitong kabuktutan.
Hindi naman lahat ng bagay o tao ay perpekto....
Sa pagmamahal, kung may konting di pagkakasunduan, wag kang biglang susuko. Ganyan talaga ang LOVE! Normal lang na may konting misunderstanding... ang mahalaga, at the end of the day... sya pa rin ang iyong uuwian at hindi kung sinu-sino lang dahil nag-away kayo....
Bakit parang may pinaghuhugutan ang mga sinasabi ko? Wala lang! Alam ko katatapos lang ng Heart's Day... pero sigurado ako, after ng mismong araw na yun, maraming lovers ang di nagkasundo... may mga tinapon ang mga binigay na rosas,
pinunit ang mga love letters,
or pinamigay na lang ang kabibigay lang na chocolates.... pero may mga mga sobrang nagmamahal rin naman at hanggang sa buong kinabukasan ng araw ng mga puso ay magkayakap pa rin... "How sweet!"
Kung may problema, pag-usapan... Kung ayaw mag-usap, e di wag pilitin.... meron namang tinatawag na perfect-timing.... hintayin na lang natin yan! :-)
uy! wala pa nagcocomment! hehehe.... ok lang...
ReplyDeletekorek. naniniwala ako sa ganyan. perfect timing kung perfect timing. kung ayaw tlga, walang pilitan. mas mabuti pa yung natural ang daloy dabah. at pag sinabing wala tlga, sa bumbay ka na lang mangutang. ano daw? basta ayun na.
ReplyDeletemore power sayo ha! fan mo na ako. choz
turuan mo naman ako maglagay nung tweet sa side tsaka nung recent visitors... may document ka bang pwedeng mabasa? Thank you! ganda ng blog mo!
ReplyDeletenasa layout lang yun, pili ka ng widget. andun yung sa twitter. yung may visitors nman eh kelangan may account ka sa mybloglog.com. may sarili silang widget don, tapos ang makikita mo lang na nagvisit yung nakalog dun sa site na yun. meron ding traffic feed sa feedjit na site. it's all about location, location, location... ng mga widgets. heheh. goodluck
ReplyDeletewaw! Thank you! Sige try ko!
ReplyDelete